I don’t normally respond to blog memes here on bakla ako dot com as I reserve those kinds of posts for my personal blog. But since I’m currently under the influence of the UP @ 100 spirit, I might as well respond to this meme challenge from Juned.
I have answered this survey several times but I think most of my answers have changed over the years, thanks to newfound wisdom that comes with aging. In short, habang tumatanda, ah eh… yun lang. Habang tumatanda…
(I’m tagging all UP students who have not answered this previously!)
UP Survey
Maligayang ika-100 taon, mga Iskolar ng Bayan!
1. Student number?
98-05599. Oo, kahit nasa malayong UP Mindanao ako, sa zero nagsisimula ang aking student number. Ang dahilan ay sa Diliman ako nagsubmit ng application. As in pumila ako sa may registrar’s office. Ganun ako ka die-hard maging UP student.
2. College?
College of Science and Mathematics (CSM)
Nakapasa ako sa first choice ko na campus at kurso: UP Mindanao at BS Applied Mathematics. Oo, first choice ko ang Mindanao dahil nung panahong akoy mag UPCAT ay bagong bago pa lang ang UP sa Mindanao. Ninais kong maging kasapi sa mga pioneer. Kaya masaya ako dahil naroon ako at nakita ko ang simulain ng isang kampus. Minamaliit ng karamihan ang UP Mindanao, pero alam kong hindi kami patatalo sa kung anumang labanan.
At oo rin, BS Applied Mathematics ang first choice ko na kurso kase nung grade school and high school, naturingan akong dalubhasa sa larangan ng matematika. Pero napuno rin ako sa math at ninais kong i-explore ang aking creative side kaya nag-shift ako nung nalaman kong i-ooffer ang Communication Arts sa pangalawang taon ko sa unibersidad.
College of Humanities and Social Sciences (CHSS)
Kaya nung nalaman kong pwedeng mag-shift to Comm Arts ay nag-shift ako. Third year na ako nun, at ang kundisyon ay willing akong magtapos ng late kase hindi sila mag-ooffer ng advanced courses para sa mga upperclass na shifters.
3. Ano ang course mo?
See above. BS Applied Math tapos BA Communcation Arts major in Speech Communication and minor in Orgs.4. Nag-shift ka ba o na-kickout?
See number 2.
5. Saan ka kumuha ng UPCAT?
Sa Malcolm Hall sa UP Diliman. 6:30AM on a Sunday yun.
6. Favorite GE subject?
STS! Kase sa Diliman ko kinuha ito at yun ang pinaka effortless kong subject sa buhay ko!
Comm 1, Comm 2 and Comm 3. O diba?
7. Favorite PE?
Badminton at PE 1
8. Saan ka nag-aabang ng hot guy sa UP?
Ay! Sa Mindanao? Sa Admin Building Atrium. Minsan sa banyo, sa salamin. Charot!
9. Favorite prof(s)
Prof. Teresita V. Guillen - Masterpieces in World Literature (Eng 4)
Prof. Ma. Araceli Dans-Lee - Principles of Public Relations and Advertising (COMA 105)
Prof. Julius T. Quiz - Art, Man and History (HUM 2) ; Philippine Arts and… nakalimutan ko na (HUM 170)
Prof. Timothy V. Montes - English Prose Styles (Eng 101)
Prof. Antonino De Veyra - Business and Professional Writing (nakalimutan ko na yung course code)
Prof. Karen Joyce Cayamanda - Comm 1, Comm 2, Comm 3, Speech Comm 103, COMA 104, English 10 (suki!)
10. Pinaka-ayaw na GE subject.
NASC 1, NASC 2 (halata bang ayoko ng science?)
11. Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?
Iba ang scheduling sa Mindanao: M-W, T-Th, F. Twice lang ako nag Friday classes (3 hours per class) para laging long weekend! Nung nag cross-reg ako sa Diliman eh summer kaya m-f may pasok.
12. Nakapag-field trip ka ba?
History 1: Mindanao tour sa Gingoog, Butuan (to see the balanghays na na dig dun)
13. Naging CS ka na ba or US sa UP?
Hinde.
14. Ano ang Org/Frat/Soro mo?
Societe de Bibliophiles
UP Min Karatedo
UP Kamang, Lakaw, Saka (UKLAS) - UP Mindanao Mountaineers
LUWAD - Theater Group
Communicators’ Guild - Comm Arts Org
UP Mindanao Debating Varsity Team
UP Mindanao Men’s Soccer Team
Himati - Official Student Publication of UP Mindanao (naging Features Writer, Features Ed, at eventually, Editor-in-Chief)
University Student Council - UP Mindanao (First Councilor - inemphasize ko lang kase ako ang nakakuha ng pinakamaraming votes among all 17 candidates for the position at 8 lang ang pasok. Oo, nagyayabang ako! hehe.)
15. Saan ka tumatambay palagi?
Depende sa taon:
Sa Mindanao: Admin Building Atrium
16. Dorm, Boarding house, o Bahay?
Mindanao: Bahay (medyo malapit lang sa campus, mga 1 hour away) at Dorm (kase nag inarte ako)
Diliman: Sa Main Lib Basement - nagbabasa ng mga lumang diyaryo at pinag-aaralan ang mga mapa (oo, weird ako)
17. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano
yun?
Computer Engineering
18. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
Sina Noel Singidas at Ramon Alfredo Dela Cruz.
19. First play na napanood mo sa UP?
Hindi pa ako UP student non. High school ako sa isang maliit na private school sa Pasig. Pinapanood kame ng El Filibusterismo na idinirehe ni Nino Muhlach at si Marissa Sanchez ang Dona Victorina.
Sa Mindanao, nakalimutan ko na pero hindi ko siya “napanood” kase Technical Director ako nung show.
20. Name the 5 most conyo orgs in UP
Wala nun sa Mindanao. Pero lagi akong pinagbibintangan elitista. Hindi naman.
21. Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP
Isa lang, UP Mindanao Communicators’ Guild - Kase charter member ako. Pioneer. Saka yung project na sinimulan namin in 2001 (or 2002?) na Davao City-wide extemporaneous speaking contest ay buhay pa rin hanggang ngayon pero it’s bigger and brighter!
22. May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
Meron din naman.
23. Saan ka madalas mag-lunch?
Sa Kanluran dun kay Ate. O kaya sa Lopez Hall.
24. Masaya ba sa UP?
Sobra! ANg dami kong natutunan! ANd I’m not talking about academics lang.
25. Nakasama ka na ba sa rally?
OO. Isang hindi ko na matandaan kung ano ang pinaglaban namin at yung isa eh yung Oust Erap rally sa Davao na kasabay ng EDSA Dos sa Maynila (nahihirapan akong sabihing EDSA Dos din yon dahil kahit na nakiisa kami sa panawagan sa pagbaba sa pwesto ng dating pangulo, parang hindi naman masyado nabigyang halaga ang aming efforts. Parang taga-Maynila lang ang nagtipo-tipon.)
26. Ilang beses ka bumoto sa Student Council
5 times. Bumoto ako sa lahat ng eleksyon!
27. Name at least 5 leftist groups in UP
Sa Mindanao isa lang ang alam ko na nag e-exist during my stay: Anak-UP Min/Anakbayan.
28. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
Hinde. Nagpaalam ako sa mga magulang ko na magloloko ako at magsasaya ako sa kolehiyo.
29. Kanino ka pinaka-patay sa UP?
ATOM ARAULLO. Hanggang ngayon! Sumulat na ako kay Vicky Morales ng Wish Ko Lang para ipapansin ako kay Atom. Hindi ata nila natanggap ang sulat.
30. Kung di ka UP, anong school ka?
Others. UP and the Others diba? Actually, hindi ko alam. Kase nung high school ako, UP or nothing ang choices ko. Kung hindi ako nakapasa sa UPCAT malamng ay naging artista ako. Charotness!
Pahabol na tanong:
31. Paboritong inuman?
Sa Calzada Bar sa downtown Davao. Labas ng UP. Sa Loob or karatig-nayon at pook? sa Mission Apartments at Silva Dorm.





































AJ Reply:
January 26th, 2008 at 8:05 am
utakGAGO »
okay lang yan, sagutan mo kahit hindi ka pa graduate. go na!
sa Manila ako nag high-school kaya sa Diliman ako nag UPCAT. hehe
AJ’s last blog post..Practical Fashion Tip # 3
[Reply]