It’s time to vote! And no, the winners of this contest will not be determined solely by votes.  If that were the case, eh di sana Miss Photogenic na lang sa Miss Universe ang ginawang competition. Anyway, kidding aside, the Wika 2007 Blog Writing contest is now open for voting on the Internet.  Click here for more details.ÂÂ
If you wanna support me, click on the Image below:
 
You don’t have to vote for my entry. In fact, you don’t have to vote at all if you don’t want to. I’m just amazed with the recption this contest has gotten. Kudos to the organizers and everyone else who fielded in their own entries!
Here are the other entries:
Read the rest of this entry »
Aug 21st, 2007
Ganda Lang, Wika2007
AJ
Imperyalistang Maynila : A Wika2007 Entry
sa panulat ni Baklang AJÂÂ
(English translation at the bottom of the entry)ÂÂ
Walang pagsisisi. Isa ako sa mga nakararami na naniniwalang ang pagsisisi sa mga bagay na nagawa at naranasan ay pag-aaksaya lamang ng panahon. Hindi ako nabubuhay sa nakaraan at hindi ko rin ugali ang pagnilayan ang mga pagkakamali ng kahapon. Natututo na lamang ako sa kanila. Marahil ito ay dulot ng aking paniniwalang ang mga naturang pagkakamali ay hindi sinasadyang maging ganoon. Naniniwala ako na ang lahat ng aking mga pagpapasiya sa nakalipas ay yaong mga pasyang itinuturing kong tama at nararapat sa mga panahong iyon.ÂÂ
Isa sa mga disisyong ito ay ang pagbabalik ko sa Metro Manila upang manirahan at maghanap ng trabaho. Simula pagkabata ay akin nang pinangarap na maglakad sa mga kalye ng Makati na nakadamit pang opisina, yung tinatawag nilang corporate. Naisip kong napakagandang tignan ang aking sariling nakakurbata. Pinangarap ko ring magkaroon ng sariling condominium unit sa Makati. Marami ang nagsabing ako’y isang hunghang at ang mga pangarap ko’y walang maidudulot na mabuti. Maraming nagpayo sa akin na wala ring kahihinatnan ang aking paghahanap ng trabaho at ako’y hindi magtatagumpay. Wari nila’y isang maling disisyon ang pagbabalik ng Metro Manila sapagkat noong ako’y magtatapos na sa unibersidad, maraming kumpanya ang nag-aalok sa akin ng magandang trabaho. Akin pa ring pinilit ang aking sarili na makamtan ang aking pangarap. Alam kong mahihirapan ako ngunit hindi ito naging dahilan upang aking isawalang bahala ang aking pangarap. Maraming rason upang ako’y mangamba ngunit hinanda ko na ang aking sarili. 
Isa sa mga ito ay ang aking tinatawag na Imperial Manila at ang mga nakatira rito. Base sa mga napapanood sa telebisyon at sa pinapakita ng media, natatanging-uri at mas mataas ang antas ng mga taga-Maynila kung ikukumpara sa mga galing probinsiya. Hindi ito maitatawa ng sinuman, kahit na sabihin nilang wala itong katotohanan. Para sa mga taga-probinsya, lalo na sa
Mindanao, mababa ang tingin sa kanila ng mga taga-Maynila. ÂÂ
Nariyan ang mga pangungutya tungkol sa sibilisasyon sa probinsiya, “Nakakakita ka ba ng mga kalabaw sa daan tuwing papasok ka sa eskwela noong araw?†Tanong ng isang kaibigan. Sa pagkainis ay sinagot ko siya ng, “Oo, at ang mga kalabaw na ito ay abala sa pagbabasa ng balita mula sa kanilang mga laptop na konektado sa wireless hotspot ng lungsod.†Sarkastikong sagot lang ang makakapagpatahimik sa mga ito.ÂÂ
Nariyan rin ang pangungutya sa accent ng mga hindi taga-Maynila: “Bisaya! Ang tigas ng dila!†Pinagtatawanan kaming mga promdi dahil sa pesteng accent na ito. Naranasan ko ang walang humpay na pangungutyang ito noong ako ay nag-aral sa isang pribadong high school sa Pasig. Simula noon ay pinag-aralan ko ng maigi ang “Tagalog accent†na sa pagkakaalam ko ay maling katawagan, dapat ay “Filipino accent†(kung meron mang ganito) ang itawag dito. Ang Filipino ang wikang pambansa, Tagalog ay ang salita ng mga nasa Katagalugan. Malaking bahagi ng Filipino ay base sa Tagalog ngunit hindi ibig sabihin nito na ang Filipino at Tagalog ay iisa.  Bumalik ako sa Davao, sa Mindanao, upang makapagtapos ng kolehiyo.
Read the rest of this entry »
Aug 17th, 2007
From Bakla, Wika2007
AJ